444 - Nais Mong Pala'y Kamtin Mo

Nais mong pala'y kamtin mo? ikaw'y magbigay!
Nais mong umunlad tayo? ikaw'y magbigay!
Lahad ang iyong kamay at ang puso mo'y buksan
Sumunod ka sa aral, ikaw'y magbigay!

Buong puso't kagalakang ikaw'y magbigay!
Nang ikaw'y tumanggap naman ngayo'y magbigay!
May munti ka bang yaman? ibigay mo rin iyan
Ikaw ay gagantihan kung magbibigay!

Magbigay sa pagkakalat ng santong aklat
At nang makapagpasikat sa pusong salat!
Ibig mo bang yumaman kung dumating ang araw?
Kung gayon, ngayon nama'y ikaw'y magbigay!

0:00 0:00